Wallflower 1.0

Isa sa mga kapintasan ko bilang isang tao ay ang pagiging ‘moody’. May mga oras kung saan inaatake ako ng kalungkutan. Kailangan kong matutong kontrolin ang aking mga emosyon upang hindi ako humantong sa ganitong kalagayan. Kung tutuusin nga ang mga nakaraang araw ay naging maganda para sa akin ngunit ang kaisipan ko naman ay nagtatanim ng negatibong pananaw sa mga bagay-bagay. Ako ba ay nasa bingit ng depresyon? O kaya nagiging pesimista lamang ako? Ang tanging bagay na siguradong kailangan ko ay ang iyong tulong.

I wish I could say express myself freely without hurting other person’s feelings.